Simpleng Pangangamusta
Nakabantay ako sa package counter at nakita ko na pauwi na ang isang regular naming panauhin na senior citizen. Bago siya makalabas ay akin siyang kinumusta. Agad naman siyang sumagot at nagkwento tungkol sa kanyang dinadala. “Napakahirap anak na tumanda nang walang kasama. Ang mga anak ko ay may kanya-kanya ng pamilya at nasa ibang bansa pa,” wika niya, “Kaya palagi akong pumupunta dito. Dahil isa ito sa nagbibigay saya at libangan na rin sa akin. Salamat, anak, at naibahagi ko ang mga ito sa iyo.” Pagkatapos kong marinig ang mga ito ay lungkot at saya ang aking naramdaman. Napagtanto ko rin na ang bawat oras ay lilipas pero ang alaala ay mananatili kaya dapat itong pahalagahan.