Tatak Pandayan Magandang Serbisyo
Share ko lang po ang nakakatuwang experience ko sa jeep habang papasok ng Pandayan. Ako na lang po ang natitirang pasahero sa jeep dahil nagsibabaan na sa palengke ang ibang pasahero.
Nang nakita ni Mamang Tsuper na mag-isa na lang akong pasahero ay nagtanong siya sa akin. "Ate taga-Pandayan ka, hindi ba? Huwag ka na bababa sa Robinsons. Iikot na lang kita sa harap ng Pandayan para hindi ka na maglakad.” Nagpasalamat naman ako.
Dagdag pa niya, “Diyan ako bumibili ng mga gamit ng mga anak ko kapag may mga kailangan sila. Natataon lagi na ikaw ang nag-a-assist sa akin kapag nabili ako doon. Kaya kahit naka-jacket ka namumukhaan kita. Kapag may kailangan akong bilhin kahit kapag nakita kita sa may dulo sa iyo agad ako nagpupunta at tatanong. Napansin ko rin na maasikaso ang mga taga-Pandayan sa mga customer nila. Hindi katulad sa iba na hahayaan ka lang maghanap.”
Tugon ko naman, "Opo, ganoon po talaga kami mag-asikaso ng mga Panauhin namin kaya po may mga Panauhin po talaga na bumabalik-balik din sa amin dahil sa aming magandang serbisyo sa kanila."
Nagpasalamat din ako kay Mamang Tsuper dahil hinatid niya rin ako sa may harap ng Pandayan at hindi ko na kailangan maglakad. Nakakatuwa dahil sa simpleng pag-assist mo sa Panauhin tumatatak pala sa kanila ang magagandang serbisyo na binibigay mo at parang nagkakaroon sila ng tiwala sa iyo.