Trip to Japan
Isang memorable at di malilimutan na experience ang oportunidad na nakabilang ako na makasama sa Japan ng 5 days and 4 nights na incentive trip ng Pandayan Bookshop mula sa Brother Philippines. Dahil sa unang pagkakataon ko lang na makasakay ng eroplano at maswerteng nakabiyahe agad ng ibang bansa ay sobrang excited at masarap sa pakiramdam. Kasama si GE Ma’am Margie, FE Sir Jemar at Sir Delio ay kaming apat ang naging representative ng Pandayan Bookshop. Kabilang din sa mga kasama ang nagmula sa iba’t ibang company gaya ng NBS , Abenson, PCxpress , Silicon Valley PH team, sales team ng Brother Phils. at iba pa at maging ang mga may-ari rin ng ibang kompanya ay nakasama namin.
Nakakatuwa at nakakataba ng puso na makilala rin ang President ng Brother Phil. na si Sir Glen na sobrang mapagkumbaba at makamasa na parang maihalintulad ko din sa ating samahan at palakad sa Pandayan Bookshop. Nang aming nga rin siyang nakausap ay nabanggit din niya na nakapunta na rin siya sa Pandayan Bookshop Tuguegarao at dahil sa likod lang rin pala nito ay mayroong office ang Brother Philippines. Madalas daw kasi ay sa Visayas at Mindanao ang kaniyang area ngunit nagsabi rin siya na baka sa mga susunod ay makabisita rin siya sa ibang Pandayan Bookshop sa Pampanga area.
Nang kami ay makarating na ng Japan ay hinati kami sa dalawang group at kami ay napunta sa Bus 2 na kasama ang ilang mga galing sa ibang company, mga may-ari rin at maging ang sales team ng Brother Phil. at ang HIS travel agency na kasama rin ang aming tour guide.
Ang unang pinuntahan namin sa Nagoya ay ang Takayama na medyo malayo sa siyudad. Lubos akong namangha sa kanilang kalinisan at disiplina dahil hindi ka talaga makakakita ng mga kalat o basura sa daan at ang kanilang kanal ay malinis din at may mga isda pa nga kaming nakita dito. Sa ikalawang araw ay ang Shirakawa-Go na sobrang ganda rin ng mga lumang bahay at ang ilog nila ay napakalinaw ng tubig at mayroong mga iba’t ibang isda na naroon. Sa ikatlong araw naman ay nagtungo naman kami sa Brother Museum at doon ko lang nalaman na bukod sa printer ay mayroong iba’t ibang produkto o serbisyo pa ang Brother gaya ng sewing machine, typewriter, barcode printing at iba pang mga electronic machine na mas nakilala na nga ang Brother sa Japan na kayang sabayan ang mga iba’t ibang higanteng kompanya dito. Sa ikaapat na araw naman ay lubos kaming nag-enjoy sa Gozaisho ropeway dahil sa first time ko pa lang makasakay sa cable car at nakakamangha rin ang tanawin nang marating namin ang tuktok ng bundok. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng lunch sa local restaurant na malapit dito at sobrang nakakataba ng puso at nasorpresa ako na nahandugan pa ng munting selebrasyon dahil kinabukasan pa talaga ang aking kaarawan at naging advance na ito nang ako ay kanilang kantahan at bigyan pa ng cake.
Sa kabuuan ay nagkaroon pa kami ng mga bagong kakilala at kaibigan dahil sa halos lahat ay maayos ang pakikisama at sa pagkukwentuhan at bonding sa ilang araw namin dito. Marami rin akong natutunan. Ang bansang Japan ay sobrang disiplinado at ina-apply talaga ang 5S at sobrang dedicated din sila sa trabaho at malinis din sila sa kapaligiran kaya naman mapa probinsya o sa siyudad ay na-obserbahan ko na walang pinagkaiba ito.
Sa Brother Philippines naman ay lubos ang aking pasasalamat sa kanila at magandang turing din sa atin bilang kabahagi at matinding partnership na nabuo. Mas mainam din nga na maialok pa namin ito sa mga Panauhin lalo na sa mga schools na madalas mamili sa amin at mas maipaliwanag namin ang features ng mga printers at madalas din naman hinahanap ang ibang model ng printer nila lalo na sa mga legal size ang kailangan at malakihang printer ang ibang gusto ng mga Opisina. Wika nga ni Sir Glen ng Brother Phil. na di nila kaya maabot ang kanilang tinatamasang tagumpay kung hindi dahil sa atin kaya naman ay open at handang makinig ang kanilang team at maging siya raw ay maaaring tawagan sa ating mg concerns, suggestions at iba pa na makakatulong sa ating ugnayan sa kanila.
#Samalikha #KuwentongPandayan