Tulong Panday
Isang gabi habang ako ay naglalakad patungo sa isang tindahan sa aming bayan upang bumili ng aming makakain ay may tumigil na kotse. Bumaba ang driver nito at binuksan ang unahan bintana ng sasakyan nito upang tingnan kung anong problema ng kanilang sasakyan. Hindi ko ito pinansin at tumuloy ako sa tindahan. Nang makabili na ako ng pagkain at pabalik na ako ay nakita ko na nandoon pa rin ang kotse. Dito ay hindi na ako nag-atubili na lapitan ang driver. Paglapit ko sa driver ay agad kong tinanong kung ano ang nangyari at problema. Sinagot naman ako ng driver at sinabi sa akin na naubusan daw sila ng gasolina. Tinanong ko sila kung taga saan sila. Taga-Pakil sila at wala silang mapakisuyuan na makabili ng gasolina. Sinabi ko sa driver na, “Sige, kuya, hintayin mo ako diyan. Babalikan kita.” Dito ay nagpasya na ako umalis at nagmadali akong kunin ang aking motor upang samahan ko siya na bumili ng gasolina.
Nang makuha ko ang motor ko ay sinabi ko sa driver na sasamahan ko siya sa pagbili ng gasolina. Kaya lang wala silang dalang gallon upang lagyan ng gas. Wala rin naman akong gallon kaya nagpasya na lang kami na magtungo sa bahay nila para kumuha ng gallon. Pagkatapos namin kumuha ng gallon ay agad na kaming nagpunta sa pinakamalapit na gas station. Ngunit wala ng gas na kailangan nila kaya naghanap kami ng ibang gas station na mabibilhan nito.
Malayo na ang aming napuntahan na gas station. Nakikita ko na nahihiya ang lalaki dahil alam niya na malayo na ang aming tinakbo. Nakakita kami ng isang gas station na meron ng kailangan nilang gas at agad niyang pinasalinan ang gallon na dala niya. Pagkatapos ay agad na rin kaming bumalik sa pinagtigilan ng kotse niya. Pagkarating namin dito ay nahihiyang nagpasalamat ang lalake. Sabi niya, “Maraming salamat, kuya! Balang araw makakabawi rin ako sa kabutihan na ginawa mo sa’kin.” Sinagot ko naman ang lalaki ng “Ok lang, po. Walang problema!” Dito ay nagpaalam na ako at sinabi ko sa kanila na mag-ingat na lang sila. Masaya ako dahil sa simpleng bagay ay nakatulong ako sa kanila. Talagang napakasarap sa pakiramdam na makatulong ka sa ibang tao na ni hindi mo kakilala o kaano-ano.