Work Immersion Program
Sa Work Immersion program ay isa sa tinutukan ng Kopon ay iyong mai-share sa mga estudyante ang Puno at Dulo ng Pandayan. Bukod sa makakatulong tayo sa mga OJT ay pagkakataon din natin na ma-introduce sa mga estudyante ang aral ng ating Kultura ng Tagumpay, na hindi lang tayo tindahan, na bukod sa hanapbuhay natin ito ay bahagi rin ang Pandayan ng komunidad.
Sa orientation ng mga OJT makikita mo sa iba na tila nagugulat. Marahil ang perception nila bilang Panauhin natin ay negosyante lang tayo na nagbebenta ng produkto. Nabibilib sila dahil may mas malalim pa pala na misyon ang Pandayan.
Sa kanilang Daily Journal, simple lang ang mga sagot nila, pero may laman. Nakakatuwa dahil may naitatanim tayo sa estudyante na siguradong dadalhin nila kung anuman propesyon ang tatahakin nila.